Sunday, 16 August 2015

“Wikang Filipino, Wika ng Kaunlaran”


      Bilang isang mamayan ng bansang Pilipinas tayo ay dapat gumamit ng wikang Filipino dahil ito ay isa sa maguugnay sa ating lahat. Iba’t iba man ang ating lenguwahe ay dapat pa rin natin ipakita ang respeto sa isa’t isa.

      Ano nga ba ang kahalagahan ng retorika sa aking kurso? Para sa akin ang retorika ay isa sa napakahalagang kaalaman na dapat kong lubusang matutunan dahil ito ay kailangan para ako ay magkaroon pa ng mas magaling na abilidad na magsalita. Bilang isang Marketing na istudyante kailangan ko magkaroon ng pormal na paraan sa pananalita upang maging isang epektibong tagapanghikayat ng mamimili. Sa aking kurso, kung mayroon kang mapanghikayat na paraan ng pagsasalita ay tiyak na magiging matagumpay ka sa pagdating o kapag nasa industriya ka na. Ang wika ay mahalaga dahil ito ay paraan upang makapagbigay mensahe sa bawat tao, kung kaya dapat natin matutunan ang mga pormal at mas malalalim na lenguwahe upang lumawak pa ang ating kaalaman.

     Ngayong buwan ng wika ay kailangan nating ipagbunyi ang ating wikang Filipino, ipakita sa lahat na ipinagmamalaki natin ito. “Wikang Filipino, Wika ng Kaunlaran” ang ating wika ay isang tulay sa ating kaunlaran dahil sa ating wika ay magkakaroon tayo ng pagkakaisa na magreresulta sa maunlad na bansa.