Bilang isang mamayan ng bansang Pilipinas tayo ay dapat gumamit ng wikang Filipino dahil ito ay isa sa maguugnay sa ating lahat. Iba’t iba man ang ating lenguwahe ay dapat pa rin natin ipakita ang respeto sa isa’t isa.
Ano nga ba ang
kahalagahan ng retorika sa aking kurso? Para sa akin ang retorika ay isa sa
napakahalagang kaalaman na dapat kong lubusang matutunan dahil ito ay kailangan
para ako ay magkaroon pa ng mas magaling na abilidad na magsalita. Bilang isang
Marketing na istudyante kailangan ko
magkaroon ng pormal na paraan sa pananalita upang maging isang epektibong
tagapanghikayat ng mamimili. Sa aking kurso, kung mayroon kang mapanghikayat na
paraan ng pagsasalita ay tiyak na magiging matagumpay ka sa pagdating o kapag
nasa industriya ka na. Ang wika ay mahalaga dahil ito ay paraan upang
makapagbigay mensahe sa bawat tao, kung kaya dapat natin matutunan ang mga
pormal at mas malalalim na lenguwahe upang lumawak pa ang ating kaalaman.

No comments:
Post a Comment